TAMPIPÌ
sa krosword ko lang muling nakita
ang salitang kaytagal nawalâ
sa aking isip ngunit kayganda
upang maisama sa pagtulâ
labimpito pahalang: bagahe
at naging sagot ko ay: TAMPIPÌ
kaylalim na Tagalog kung tingni
na kaysarap bigkasin ng labì
sa Batangas ko unang narinig
sa lalawigan ng aking tatay
tampipì ang lagayan ng damit
maleta o bagahe ngang tunay
nababalikan ang nakaraan
sa nawalang salitang ganito
ay, salamat sa palaisipan
muling napapaalala ito
- gregoriovbituinjr.
01.18.2024
* krosword mula pahayagang Pilipino Star Ngayon, Enero 16, 2024, p.10
Sabado, Enero 18, 2025
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa taho
SA TAHO mayroong istiker sa lalagyan ng taho: sabi: "Lahat ng kurakot dapat managot!" siyang tunay, korapsyon sana nga'y magl...

-
SA ANIBERSARYO NG KASAL AT NG KATIPUNAN Hulyo Pito, anim na taon nang nakararaan nang ikatlong kasal nami'y ganapin sa simbahan doon sa ...
-
ang kahirapan ay di kawalan ng pagkatao lider-maralita'y marangal at Katipunero mabubusog ka nga sa karanasan nila't kwento n...
-
ANG SINING NG DIGMA may aklat akong Art of War ni Sun Tzu pati Book of Five Rings ni Miyamoto Musashi, ang On War in Karl Von Clauswit...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento