MAS MAKAPAL ANG BALAT NG TRAPO
kaytinding banat ni Pooroy sa komiks
siya'y para ring environmentalist
endangered na raw ang mga buwaya
ngunit corrupt politicians ay di pa
balat daw ng buwaya ay makapal
magandang pangsapatos, magtatagal
mas maganda raw ang balat ng trapo
mas makapal, di pa endangered ito
kung babasahin mo'y pulos patama
di lang patawa, mayroong adhika
ang masapol kung sinong masasapol
marahil pati sistemang masahol
natawa man tayo ngunit mabigat
totoo sa buhay ang kanyang banat
- gregoriovbituinjr.
02.03.2025
* mula sa pahayagang Remate, Pebrero 3, 2025, p.3
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa ika-16 na death monthsary ni misis
SA IKA-16 NA DEATH MONTHSARY NI MISIS Lagi kitang nasa alaala, O, aking sinta't tanging asawa! Itinutula ko'y pagmamahal. Tila ba ...
-
THE ARTISTRY AND ACTIVISM IN ME when painter Marcel Duchamp died that was the day I was born when massacre of students in Tlatelolco, Me...
-
I WAS BORN A RED OCTOBER I was born on the second of October like Mahatma Gandhi, actor Benjie Paras classmate Angelo Arvisu, singer Sting c...
-
KUMAIN KAMING MULI SA BANGKETA sa bandang hiway, may gulong na karinderya at naglagay ng mesa't silya sa bangketa umorder kami ni misis ...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento