ANG AKLAT NI KA DODONG
ang Notes from the Philippine Underground
tatlong daang higit ang pahina
na aklat ni Ka Dodong Nemenzo
ay nasa Philippine Book Festival
nagbutas pa ako ng tibuyô
nang mabili ang nasabing libro
ganyan ang aktibistang Spartan
kung gustong bumili, may paraan
presyo'y higit limang daang piso
sa booth ng UP Press puntahan n'yo
collector's item ko na ang libro
sa libreng oras babasahin ko
sa Philippine Book Festival, tara
maraming aklat kang makikita
basahin ang aklat ni Ka Dodong
may ningas kang matatanaw doon
- gregoriovbituinjr.
03.14.2025
* Ang Philippine Book Festival sa 4th Flr. ng SM Megamall ay mula Marso 13 hanggang 16, 2025.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Maraming trabahong nakabinbin
MARAMING TRABAHONG NAKABINBIN maraming trabahong nakabinbin na aking dapat talagang gawin tambak na deadline ang hahabulin pagdadalamhati ba...

-
PAGPUPUGAY SA PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA KATUTUBO (International Day of the World's Indigenous Peoples) katutubo'y kilanl...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
ANG PAGBIBISIKLETA "Life is like riding a bicycle. To keep your balance, you must keep moving." ~ Albert Einstein di pwedeng ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento