Linggo, Marso 16, 2025

Maralita para kina Ka Leody at Atty. Luke sa Senado

MARALITA PARA KINA KA LEODY AT ATTY. LUKE SA SENADO

kaming mga maralita'y para kina Ka Leody
de Guzman at Attorney Luke Espiritu sa Senado
sila ang totoo nating mga kasangga't kakampi
tungong kapakana't kagalingan ng dukha 't obrero

lalabanan nila ang salot na kontraktwalisasyon
lalo ang mga walang kabusugang kapitalista 
sila ang kasangga ng dukha laban sa demolisyon
silang kalaban ng mapang-api't mapagsamantala

lalo't nangingibabaw batas ng naghaharing uri
upang magkamal pa ng tubo 't manatili sa poder
hindi nila hahayaang maralita'y maduhagi
at titiyaking madurog ang oligarkiyang pader

babaguhin din nila ang patakarang mapang-api
na nakikinabang ay burgesya't elitistang bundat
didistrungkahin ang batas na dahilang masasabi
hinggil sa malayong agwat ng mayaman at mahirap

maipanalo sila sa Senado ang unang hakbang 
upang magkaroon ng kinatawan ang maralita
ang maipagwagi sila'y tagumpay ng sambayanan 
upang mga batas na pangmasa'y kanilang malikha 

- gregoriovbituinjr.
03.16.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Babae, hinoldap na, ginahasa pa ng habal-habal rider

BABAE, HINOLDAP NA, GINAHASA PA NG HABAL-HABAL RIDER aba'y naku, ingat, mga kababaihan lalo na't dalaga pa, puri'y pag-ingatan m...