Martes, Mayo 27, 2025

Reclining commode wheelchair

RECLINING COMMODE WHEELCHAIR

kahapon, nakabili na ako sa Bambang
ng reclining commode wheelchair na kailangan
nang magamit ng misis kong may karamdaman
mula ospital hanggang umuwing tahanan

wheelchair yaong ang upuan nito'y may butas
kung saan doon siya makakapagbawas
at doon ay tutulungan siyang maghugas
o marahil sa katawan ay pagpupunas

di pa niya magalaw ang kanang bahagi
mula balikat, kamay, paa, hita, binti
kaya sa pagamutan pa'y nananatili
baka matagalan pa kaming makauwi

mula kama, bubuhatin siyang tumayo
upang sa commode wheelchair siya'y makaupo
katawan ay dapat maehersisyong buo
upang sa kanan ay mapadaloy ang dugo

naka-wheelchair siyang sa pasilyo babaybay
imbes na laging sa higaan nakaratay
nasa wheelchair siya't ako'y nakaalalay
sa paggaling niya'y aalagaang tunay

- gregoriovbituinjr.
05.27.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Trapo at basahan

TRAPO AT BASAHAN bentador ng bayan ang trapo ang turing sa dukha'y basahan trapo'y nanloloko ng tao ayuda ang nasa isipan ano bang a...