Huwebes, Hulyo 3, 2025

Nakatagong katotohanan

NAKATAGONG KATOTOHANAN

kayraming katotohanan ang nakatago
katotohanang iwinaksi't pinaglaho
kumbaga malinaw na sapa'y pinalabo
ng basura ng kasakimang di mahinto

di lang hinggil sa nawawalang sabungero
kundi pati winalang desaparesido
kundi pati walang salang nakalaboso
pati nilait na karapatang pantao

paano ba patuloy na ipaglalaban
ang katotohanan para sa kagalingan
ng dukha, obrero, bata, kababaihan 
upang kamtin ang asam na katotohanan

talaga bang pangit ang kasinungalingan?
talaga bang masakit ang katotohanan?
tungong kapanatagan ng puso't isipan
halina't hagilapin ang katotohanan

- gregoriovbituinjr.
07.03.2025

* litrato mula sa headline ng pahayagang Tempo, Hunyo 3, 2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Si Prof. Xiao Chua at ako

Litrato kuha sa book launching ng "1 Xiao Time, Mga Dakilang Pilipino" sa HistoEx (History to Experience) sa Gateway 2, Cubao, QC,...