Linggo, Nobyembre 9, 2025

Hinahampas ng bagyong Uwan ang bahay ni Juan

HINAHAMPAS NG BAGYONG UWAN ANG BAHAY NI JUAN

matapos ang bagyong Tino na nanalasang tunay
na higit dalawang daang katao na'y namatay
ngayon nama'y nananalasa na ang bagyong Uwan
kaylakas niyang hinahampas ang bahay ni Juan

kaya ang daranasin natin ay matinding sigwâ
na kung maayos ang kanal sana'y agad mawalâ
paano kung D.P.W.H. gumawa niyon?
flood control project na ba'y guniguni na paglaon?

mag-iingat po tayo kung may yerong lumilipad
na sa atin at sa pamilya'y baka makasugat
mag-ingat din sa open manhole at lestospirosis
sa panahon ngayon ay mahirap nang magkasakit

bahay man ni Juan o kaya'y ang bahay ni Kuya
sana'y maging handâ, at magbayanihan talaga
gawin ay makipagkapwa, at di makasarili
isipin din natin ang kapwa, di lang ang sarili

- gregoriovbituinjr.
11.09.2025

* mapapanood ang munting bidyo sa kawing na:

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Panawagan nila'y parusahan na ang mga kurakot!

PANAWAGAN NILA'Y PARUSAHAN NA ANG MGA KURAKOT! kinunan ko ng litrato nang makita ang panawagan na  "Parusahan ang mga magnanakaw sa...