Huwebes, Nobyembre 13, 2025

Mababaw man ang kaligayahan ko

MABABAW MAN ANG KALIGAYAHAN KO

mababaw lang daw ang kaligayahan ko
kaya natatawa sa mumunting bagay
dahil diyan, napaisip tuloy ako:
ano ang malalim na kaligayahan?

mababaw lang ako, makakain lamang
ng tatlong beses isang araw, ayos na
di ko kaylangan ng kotse't kaharian
na sa kamatayan, di ko madadala

mababaw ako ngunit kayang sumisid
nakakangiti pa rin kahit na pagod
kasama'y dukhang nabubuhay sa gilid
kaysa korap na nabundat sa kurakot

oo, inaamin ko, mababaw ako
kaysa malalim nga, di naman masaya
ay, ako'y isa lang karaniwang tao
maglulupâ, makatang lingkod ng masa

- gregoriovbituinjr.
11.13.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

A-kinse na

A-KINSE NA may kwento noong ngayo'y aking naalala: minsan daw ay lumindol doon sa pabrika sigaw ng isa:  nakupo! katapusan na! ang sagot...