Sabado, Disyembre 27, 2025

Kayrami palang search engine

KAYRAMI PALANG SEARCH ENGINE

natutunan ko sa isang palaisipan
na sa internet pala'y kayraming search engine
lalo't mananaliksik kang may hinahanap
mga impormasyong dapat mabasa man din

nariyan ang Rambler, Infospace, Blekko, Yahoo,
Altavista, Gigablast, Webopedia, Blingo,
Yandex, Google, Dogpile, Naver, Lycos, Otalo,
Excite, Hotbot, Mamma, Yippy, Iwon, Mahalo

samutsaring makina sa pananaliksik
Yahoo at Google lang ang madalas kong gamit
ang iba'y susubukan kong may pagkasabik
lalo't may hinahanap ako't hinihirit

salamat at may Word Search o Hanap Salità
at ganitong datos ay nahanap kong biglâ

- gregoriovbituinjr.
12.27.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pagkatha't lampungan

PAGKATHA'T LAMPUNGAN kaysarap masdan ng mga pusà sa lampungan habang kumakathâ ang makatâ ng mga akalà o ng samutsaring sapantahà kapwa ...