Miyerkules, Pebrero 4, 2026

Pariugat

PARIUGAT

may wikang Filipino pala sa square root
PARIUGAT, aba'y anong kanyang minulan
na talagang sa ulo ako'y napakamot
parisukat plus ugat equals pariugat

pag square, imu-multiply mo ang numero
sa sarili nito, habang square root naman
ay pag na-divide ang numero sa sarili
nito, na madali namang maunawaan

suriin mo, ang square ng eight ay sixty-four
habang pariugat naman ng sixteen ay four
ang square ng numero pito ay forty nine
habang ang pariugat ng eighty-one ay nine

pariugat - likhang salita sa sipnayan
na kung tutuusin, malaking tulong naman
lalo na sa sugkisan at palatangkasan
pati sa bilnurantayahantatsihaan

- gregoriovbituinjr.
02.04.2026

sipnayan - mathematics
sukgisan – geometry
palatangkasan – set algebra
bilnuran – arithmetic
tayahan – calculus
tatsihaan – trigonometry

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pangungulilà

PANGUNGULILÀ nasanay akong mag-isa dahil sa pangungulilà nasanay sa pag-iisa ito ba'y nakatutuwâ? bahagi nga ba ng búhay o ito ba'y ...