Biyernes, Marso 20, 2026

Hubad kong isip

‎HUBAD KONG ISIP
‎animo'y makatâ ang lumikhâ
‎ng krosword na aking nasagutan
‎"Hubad kong isip", nakatutuwâ
‎tingni ang Labing-isa Pahalang
‎kahulugan pala'y inosente
‎o batang di nasagpang ng leyon
‎at di kinakanti ng salbahe
‎ako sa sarili'y napabulong:
‎"katalamitam ko sa pag-idlip
‎ang naroong magandang diwatà
‎di mawari ng hubad kong isip
‎sa harap niya ako'y tulalâ"
‎lumikha ng krosword ba'y tulad ko?
‎makatang walâ sa toreng garing?
‎sinalita'y kaygandang totoo
‎ang hubad kong isip ay nagising
‎- gregoriovbituinjr.
‎03.20.2026
‎* palaisipan mulâ sa pahayagang Pang-Masa, Enero 6, 2026, p.7

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Hubad kong isip

‎HUBAD KONG ISIP ‎ ‎animo'y makatâ ang lumikhâ ‎ng krosword na aking nasagutan ‎"Hubad kong isip" , nakatutuwâ ‎tingni ang Lab...