TULAWIT
itutulâ ko muna
saka ko aawitin
mga isyu ng masa
yaong gigitarahin
ang mga kaapihang
dinaranas ng dukhâ
bibigyang kasagutan
ng nagkaisang madlâ
- gregoriovbituinjr.
03.13.2026 (Friday the 13th)
ang sistemang baluktot ng buwayang kurakot ay dapat nang malagot at sila'y mapanagot - gbj/03.13.2026 tanaga-baybayin
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento