Linggo, Setyembre 13, 2026

Bahâ

BAHA
‎
‎Magkaka-lestospirosis / pag sa akin ay lumusong
‎Ang babae man o batang / di na kayâ pang umurong.
‎Pataas na ng pataas / ang tubig na bumabalong.
‎Mapapaluha na lang ba / pagkat walang tumutulong?
‎
‎Halos libo-libo na raw / ang nagka-dengue't kolera.
‎Kahit na mga lamesa / ay nagkakaalipunga.
‎Kung sa akin ay matagal / na mabababad ang paa,
‎Ay tiyak magkakasakit / kahit mayaman mang masa.
‎
‎Kayrami na ang pinaslang / nina Yolanda at Bising;
Nawalan na ng tahanan, / may nalunod pa't nalibing.
‎Gayunman, mag-ingat kayo / pag lumusong na sa akin.
‎Baka may bukás na manhole, / at ang anak mo'y lunurin.
‎
‎Kargahin ang inyong anak / at magbota pag lalabas.
‎Tumangan sa mga bakod / at baka kayo madulas.
‎Ngunit tandaan n'yo lamang, / di ako ang tamang landas.
‎Manatili muna kayo / sa lugar na matataas.
‎
‎- gregoriovbituinjr.
‎09.12.2026

* litrato mula sa google

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Trapo at basahan

TRAPO AT BASAHAN bentador ng bayan ang trapo ang turing sa dukha'y basahan trapo'y nanloloko ng tao ayuda ang nasa isipan ano bang a...