Miyerkules, Setyembre 9, 2026

‎O, mga makata

‎O, MGA MAKATA
‎O, mga makata, ako'y nagpupugay
‎sa inyo sapagkat sadyang kayhuhusay!
‎Katha'y tila bigas na mula sa palay
‎na kung isasaing, kaysarap na tunay!
‎Bilang manunula, sabi kong malimit:
‎ang salitang "pero'y" di ko ginagamit,
‎pagkat may katumbas sa wikang kaylapit,
‎iyan ang "datapwat", " ngunit" at "subalit".
‎Sa tula ko'y walang Superman o Darna
‎kundi sambayanan, walang isang bida!
‎Kolektibong kilos, bayani ang masa!
‎Nagtagumpay pagkat sila'y sama-sama!
‎O, mga makata, mabuhay po kayo!
‎Pinagpupugayan kayong taasnoo!
‎- gregoriovbituinjr.
‎09.09.2026
‎* litrato mula sa larong Word Master

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

‎O, mga makata

‎O, MGA MAKATA ‎ ‎O, mga makata, ako'y nagpupugay ‎sa inyo sapagkat sadyang kayhuhusay! ‎Katha'y tila bigas na mula sa palay ‎na kun...