Martes, Setyembre 1, 2026

Sa sama-samang pagkilos

SA SAMA-SAMANG PAGKILOS

pinaniwala
tayo sa isang
tagapagligtas

imbes na tayo'y
sa sama-samang
kilos umasa

ganyan ang diwa
ng isang Batman
o ng Superman

paniwala ko'y 
walang bayani
tulad ni Darna

kundi ang bida
ay taumbayan,
ang sambayanan

sa Unang Alsa
ng mamamayan
doon sa Edsa

sa sama-samang
kilos ng masa
nagawa nila

ang mapatalsik
ang diktadura!
kaya ng masa!

isang aral na
ating patnubay
tungong tagumpay

dagdag ko lamang
uring obrero
at magsasaka

kung sama-sama
silang kikilos
ang magbabago

nitong sistemang
mapang-api na'y
bulok pa't bugok

- gregoriovbituinjr.
09.01.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa sama-samang pagkilos

SA SAMA-SAMANG PAGKILOS pinaniwala tayo sa isang tagapagligtas imbes na tayo'y sa sama-samang kilos umasa ganyan ang diwa ng isang Batma...