tinumbok ko ang hamon ng isang malditang manhid
siya'y kasamang nakilala sa malayong bukid
na salita'y kaya niyang ipaglubid-lubid
isang kasama, dilag na tinuring kong kapatid
tulad ko, isa rin siyang aktibistang Spartan
na sinanay upang depensahan ang uri't bayan
ang amasonang pinangarap kong maging katipan
siya'y manhid, hanggang ako'y mag-asawang tuluyan
nasa malayo na siya't kinalimutan ko na
ano't nais niyang sa akin na'y makipagkita
may asawa na ako, siya'y matandang dalaga
tanging nasabi ko sa kanya, wala na bang iba
noon, siya ang amasonang aking pinangarap
na makasama habambuhay sa dusa at hirap
ngayon, may asawa na ako't kinasal nang ganap
at aking tinanggap ang buhay na aandap-andap
wala na ang amasonang pinangarap ko noon
pagkat bagong amasona ang kasama ko ngayon
magkasamang babaguhin ang lipunang nilamon
ng kapitalistang sistemang dapat nang ibaon
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Dagdag dugo muli
DAGDAG DUGO MULI mababa na naman ang kanyang hemoglobin di pa abot ng otso, nasa syete pa rin dapat ay dose, ang normal na hemoglobin kaya...
-
SA LILIM NG PUNO kaysarap magsulat sa lilim ng puno ng duhat lalo't dinibdib ang kwento't paksang nadadalumat tilad-tilarin ang usap...
-
NAKAPIKIT "Paano ka ba matulog?" tanong sa akin minsan "Nakapikit." ang payak kong tugon sa katanungan wala lang, iyo...
-
TARANG MAGTSAA tarang magtsaa ng malunggay habang naritong nagninilay pampalusog at pampatibay nitong katawan at ng hanay minsan kailangan ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento