kahit kami'y mga dating bilanggong pulitikal
ay pagsisilbi pa rin ang sa diwa'y nakakintal
lumaya't ang pagsasama pa rin ay nagtatagal
pagkat nagkakaisa pa rin sa prinsipyo't dangal
nais pa rin naming labanan ang bayang tiwali
at nais pa ring bulok na sistema'y matunggali
pag may problema ang bayan, di kami humihindi
patuloy na kikilos, di papayag maduhagi
aaralin pa rin bakit ganito ang lipunan
kongkretong pagsusuri sa kongkretong kalagayan
bakit kayrami pa ring pinagsasamantalahan
bakit laksa'y naghihirap at maykaya'y iilan
nagkakaisa pa rin kami ng inaadhika
oorganisahin pa rin ang uring manggagawa
dedepensahan pa rin ang bayan at mga dukha
mula sa kuko ng mapagsamantala'y lalaya
- gregbituinjr.
* sinulat habang nagpupulong ang XD Initiative, Nobyembre 10, 2019
Linggo, Nobyembre 10, 2019
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Paalala sa publiko
PAALALA SA PUBLIKO palasak ang No ID, No Entry saanmang tanggapan o gusali n'ung pandemya, No Facemask, No Entry sa opis, mall, ...
-
THE ARTISTRY AND ACTIVISM IN ME when painter Marcel Duchamp died that was the day I was born when massacre of students in Tlatelolco, Me...
-
DELIRYO hinihibik pa rin niring puso ang buhay ng sinta'y di naglaho subalit ako na'y iginupo ng nangyari't ako'y lugong-lug...
-
ANTOK dumidila ang antok sa talukap niring mata ngunit niyayakag akong muli ng sintang musa upang maglimayon, maglakad-lakad sa kalsada sa i...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento