nagtataka sila't ako'y lagi sa palikuran
paano ba naman, iyon na ang aking kanlungan
doon ko sinusulat ang nangyayari sa bayan
doon sinusuri ang nagaganap sa lipunan
doon ko binubuo ang isang bagong daigdig
na punung-puno ng pagbaka, pag-asa't pag-ibig
lumago ang halamang tanim dahil sa pagdilig
nagagawan ng paraan ang anumang ligalig
kanlungan ko ang palikuran habang nakaupo
sa tronong pinag-aalayan ng bawat siphayo
masarap ang pakiramdam pagkat di ako dungo
pagkat maraming nakikinig ng buong pagsuyo
sa binuo kong daigdig, ako'y katanggap-tanggap
kahit ako'y isang makatang sakbibi ng hirap
lahat nga ng danas at kasawian kong nalasap
ay iniluluhog sa tronong tunay ang paglingap
- gregbituinjr.
Linggo, Hulyo 5, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sana, Bagyo, tinangay mo na ang mga kurakot!
SANA, BAGYO, TINANGAY MO NA ANG MGA KURAKOT! kayrami nang namatay sa bagyong Tino sa Cebu si bagyong Uwan, nanalasa sa bansa ni Juan sana an...
-
SA ANIBERSARYO NG KASAL AT NG KATIPUNAN Hulyo Pito, anim na taon nang nakararaan nang ikatlong kasal nami'y ganapin sa simbahan doon sa ...
-
THE ARTISTRY AND ACTIVISM IN ME when painter Marcel Duchamp died that was the day I was born when massacre of students in Tlatelolco, Me...
-
ang kahirapan ay di kawalan ng pagkatao lider-maralita'y marangal at Katipunero mabubusog ka nga sa karanasan nila't kwento n...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento