Huwebes, Agosto 12, 2021

Pasasalamat


"Everyone you meet has something to teach you." - quotation mula sa fb page na "I Love Martial Arts"

PASASALAMAT

Salamat sa lahat ng nakakasalubong
at nakasalamuha sa daan at pulong
lalo't sama-samang hinarap ang daluyong
upang sa bawat pakikibaka'y sumulong

Sa anumang panganib na ating sinuong
ay kapitbisig tayong sadyang tulong-tulong
di nagpapatinag kahit ito'y humantong
sa rali sa lansangan, o kaya'y makulong

Salamat sa inyong naibahaging dunong
mula sa kwento, danas, hapdi, payo't bulong
para sa hustisya'y di tayo umuurong
hangga't lipunang makatao'y sinusulong

- gregoriovbituinjr.
08.12.2021

* litrato mula sa fb page ng "I Love Martial Arts"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Antok pa si alagà

ANTOK PA SI ALAGÀ puyat pa, antok na si alagà lalo't gising siya buong gabi marahil sa paghanap ng dagâ tulog muna, ang sa kanya'y s...